BBM2

PH magtatayo ng bagong POLO sa Thailand—PBBM

145 Views

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng gobyerno na magtayo ng bagong Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Thailand upang matulungan at mabigyang proteksyon ang mga Pilipinong naroon.

“Malaking bagay ‘yan at magiging mas madali lahat ng mga kailangan ninyong gawin. Kaya’t talagang maaasahan natin ito si Secretary Toots dahil matagal na niyang adbokasiya ‘yan,” sabi ni Marcos na ang tinutukoy ay si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

Sinabi ni Marcos sa Filipino community sa Thailand na naging maganda ang paguusap sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit dahil nakilala nito ang iba’t ibang lider at naisulong ang interes ng Pilipinas.

Kinilala rin ng Pangulo ang kahalagahan ng mga Overseas Filipino Workers na sinabi nitong nagsisilbing ambassador ng bansa kung saan man sila magpunta. Batay sa pakikipag-usap nito sa mga taga-Thailand ay maganda umano ang ipinapakitang pagseserbisyo ng mga Pilipino roon.