Bagyo

PH may bagyong bagyo

20 Views

MATAAS ang posibilidad na maging tropical depression sa loob ng 24 oras ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) noong Martes.

Ayon sa Pagasa, bandang alas-3:00 ng hapon namataan ang LPA sa layong 445 kilometro sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Ang LPA ay tatawaging Bising sakaling maging tropical depression.

Sa ngayon, patuloy na maaapektuhan ng southwest monsoon (Habagat) ang lagay ng panahon sa western section ng Southern Luzon.

Ang mga lugar na ito ay Bataan, Zambales, Palawan, at Occidental Mindoro.

Maaari umanong magdulot ng flash flood o landslide ang mga katamtaman hanggang sa kung minsan malakas na pag-ulan.

Samantala, makararanas ang nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.