BBM1

PH may sapat na buffer stock ng bigas—PBBM

155 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong sapat na buffer stock ng bigas ang bansa sa kabila ng pinaslang idinulot ng bagyong Egay at Habagat sa mga palayan.

Sinabi ni Pangulong Marcos na pinulong nito ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) upang pag-usapan ang naging epekto ng bagyong Egay sa produksyon ng bigas.

“Mukha naman, sa ngayon, the supply is ok,” ani Pangulong Marcos, na siya ring tumatayong kalihim ng DA.

Inaasahan umano na aabot sa 5.47 milyong metriko tonelada (MMT) ang suplay ng bigas ng bansa sa ikatlong quarter ng 2023 samantalang ang inaasahang demand ay 3.79 MMT kaya mayroong 1.69 MMT na matitira na sapat umano para sa 45 araw na pangangailangan ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na pinaplano na rin ang mga gagawing hakbang ng gobyerno upang matiyak ang buffer stock ng bansa kapag naranasan na ang epekto ng El Niño phenomenon.

“So, gumawa na…kami ng schedule kung saan tayo kukuha ng production; kung saan tayo bibili dito sa local; kung kailangan mag-import, mag-i-import na naman tayo,” sabi ng Pangulo.

“Mabuti naman at sa usapan namin, nakita naman na ang pag-import natin ng bigas ay pababa naman nang pababa. Ngunit pagka may emergency na ganito ay kailangan talaga nating tignan kung nangangailangan pa ng pag-import,” dagdag pa nito.

Isa umano sa tinitignan ng gobyerno ang pag-angkat ng bigas.