BBM

PH moderately prosperous country na sa 2040 –PBBM

241 Views

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Pilipinas ay magiging “moderately prosperous country” na pagdating sa 2040.

Sa kanyang pagharap sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA), sinabi ng Pangulo na ang bansa ay nasa landas na ng pagpunta sa upper middle-income status sa 2023.

Si Marcos ang unang leader mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nagtalumpati sa high level general debate ng UNGA.

At kung magtutuloy-tuloy umano ang paggugol ng pondo nito sa pagkain, kalusugan, edukasyon, at iba pang social service para sa mga Pilipino ay magiging “moderately prosperous country” ito sa 2040.

Binigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan ng mga modernong kagamitan upang tumaas ang produksyon ng pagkain at suportahan ang mga magsasaka at mga mangingisda.

Ayon pa kay Marcos kakailanganin ang pagkakaisa ng pampubliko at pribadong sektor upang mapataas ang antas ng edukasyon at kalakalan sa gitna ng mga hamon ng Fourth Industrial Revolution.

Handa umano ang administrasyon ni Marcos na gumugol sa edukasyon na siyang susi sa pag-unlad ng bansa.

Iginiit naman ni Marcos ang kahalagahan ng pakikiisa nito sa United Nations at maging bahagi ng solusyon sa mga hamon na kinakaharap ng mundo.