BBM

PH nag-iingat upang hindi maipit sa gitna ng US, China

192 Views

NAG-IINGAT umano ang Pilipinas upang hindi maipit sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panayam ng Wall Street Journal sa sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Pangulong Marcos pinalalakas ng Pilipinas ang kooperasyon nito sa Estados Unidos kasabay ng paggawa ang mekanismo upang mapahupa ang tensyon sa China.

Upang maging maliwanag ang kanyang punto, ginamit ni Pangulong Marcos ang African proverb na ‘When elephants fight, the only one that gets trampled is the grass’.

“We are the grass in this situation. We don’t want to get trampled,” ani Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo nasa frontline ang Pilipinas. Mayroon umanong 150,000 Pinoy sa Taiwan at ang southern port city ng Kaohsiung ay 40 minuto lamang ang layo mula sa dulo ng Batanes.

Mayroon ding territorial dispute ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea. Nina RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO