BBM1

PH nakikipag-ugnayan sa Kuwait kaugnay ng hindi pagbibigay ng visa sa OFWs

171 Views

PATULOY umano ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Pilipinas sa Kuwait kaugnay ng desisyon nito na huwag ng magbigay ng visa sa mga Pilipino na nais magtrabaho roon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nasa 800 OFW ang hindi nakapasok sa Kuwait matapos na hindi bigyan ng visa ang mga ito.

“It’s their country. Those are their rules. So, we will just leave that issue open and hopefully we will continue to negotiate with them. We will continue to consult with them at baka sakali, down the road ay magbago ang sitwasyon, maibalik ngayon ang ating mga workers, lalo na ‘yung mga nabitin,” ani Pangulong Marcos.

“Hopefully down the road, we will continue to work to improve that situation,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Kumpiyansa naman ang Pangulo na muling makakapagpadala ng mga OFW sa Kuwait sa hinaharap.

“I don’t want to burn any bridges na sasabihin, baka in the future, baka in a little while, a few months from now, a year from now, sasabihin magbago ang sitwasyon….baka pwede pa tayong magpadala ulit ng mga ating workers sa Kuwait,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

“Kaya’t….sometimes, overreaction ‘yung ban. Basta, ban na lang tayo ng ban. Hindi naman tama. We have to react to the situation as it is. And I think the proper reaction is to take the decision of the Kuwaiti government to no longer issue new visas,” dagdag pa nito.