BBM Nagpulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon met sa sidelines ng 44th and 45th ASEAN Summits and Related Summits.

PH, NZ tinatarget magkaroon ng comprehensive partnership

Chona Yu Oct 12, 2024
84 Views

Target ng Pilipinas at New Zealand na iangat ang relasyon ng dalawang bansa mula sa diplomatic relationship patungo sa comprehensive partnership.

Ito ay matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa sidelines ng 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Vientiane, Peoples’ Democratic Republic.

Umaasa ang dalawang lider na mas malakas at sisigla pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Sa naturang pagpupulong, idiniga ni Pangulong Marcos ang Proposed Roadmap to Comprehensive Partnership 2024-2025 sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand.

“I think, the roadmap that’s being finalized now we should have it ready by the 60th anniversary of [the] establishment of diplomatic relations between our two countries,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, I think that’s well on its way. Quite frankly, there are no real obstacles. It’s just a question of finalizing the language,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Sa panig ni Prime Minister Luxon, sinabi nitong nakatutuwa na gumagana a G relasyon ng dalawang bansa.

“I think we’ve made some good progress … and continued progress on the roadmap,” pahayag ni Prime Minister Luxon.

Nagsimula ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong Hulyo 6, 1966.