S korea

PH, S. Korea muling pinagtibay kooperasyon sa agrikultura

Cory Martinez Jul 2, 2024
144 Views

Agri cooperation pinalakas ng PH, South Korea

MULING pinagtibay ng Pilipinas at South Korea ang kooperasyon sa larangan ng agrikultura sa pagpirma nina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. at Korean Minister of Agriculture, Food and Rural Affairs (MAFRA) Song Miryung ng Letter of Intent (LOI) sa Seoul, South Korea kamakailan.

Sa paglagda sa LOI, binigyang-halaga ng dalawang lider ang benepisyong matatamo sa pinaigting pang sustainable agricultural development, promoting food security at fostering economic growth.

Nagpahayag ng kahandaan si Tiu Laurel ng masidhing kooperasyon sa layunin ng LOI at pinunto ang mga pangunahing usapin hinggil sa bagong technical projects at ang pagsisikap na makuha ang market access para sa agricultural export ng Pilipinas kabilang na ang kalamansi at poultry products na dadalhin sa Korea.

Samantala, bilang pagkilala sa masaganang kolaborasyon simula nang itatag ang Philippine Agriculture Office sa Seoul sa ilalim ng Agriculture Attaché Aleli Maghirang in 2016, ibinigay ni Tiu ang special fresh hass avocado fruits at fresh okra mula sa Pilipinas bilang tokens of appreciation.

Nagkaroon ng market access ang Pilipinas para sa fresh hass avocados noong 2023 at fresh okra noong 2021, na siyang nagsilbi bilang mahalagang yugto ng bilateral agricultural trade

Kabilang sa mga saksi sa paglagda sina Philippine Ambassador Maria Theresa Dizon De Vega at mga opisyal mula sa DA.