PHI-NADO nagdaos ng TUE workshop

33 Views

NAHDAOS ang Philippine Anti-Doping Organization (PHI-NADO) ng Therapeutic Use Exemption (TUE) Workshop sa Century Park Hotel sa Manila.

Higit 20 medical professionals ang dumalo sa workshop, na tinampukan ng mga TUE experts mula sa Anti-Doping Singapore (ADS) – Dr.Teoh Chin Sim, ang chairperson ng TUE Committee of ADS, Ms. Irene Tan, ang manager ngADS, at Dr. Marion Rivera, ang PHI-NADO’s TUE committee chairperson.

“We need to increase the awareness ng team physicians all over the country. Kapag naghahandle sila ng mga atleta na may injuries or illnesses, dapat malaman nila na may prohibited list,” pahayag ni PHI-NADO Head Dr. Alejandro Pineda sa isang panayam.

Ang TUE Workshop ay naglalayon na palawakin pa ang TUE committee bilang bahagi ng World Anti-Doping Agency.