BBM

Philippine Nursing Practice Act suportado ni PBBM

191 Views

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasabatas ng panukalang Philippine Nursing Practice Act na naglalayong pagandahin ang nursing profession sa pamamagitan ng pagpapabuti ng nursing education sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association (PNA) kinilala ni Marcos ang pagsusumikap at sakripisyo ng mga nurse na nagtataya ng kanilang buhay para mapangalagaan ang iba.

“In fact, I have taken special note of the clamor to address issues in the nursing profession by the passage of the new Philippine Nursing Practice Act,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na sa tulong Kongreso at PNA ay gagawa ng mga hakbang ang gobyerno upang makapagpatupad ng reporma sa nursing profession.

Nais din ni Marcos na pagandahin ang working condition ng mga nurses nasa pribado man ito o pampublikong ospital. Isa umano sa pagtutuunan ng pansin ang pagpantayin ang sahod ng lahat ng nurse.

Tututukan din umano ng administrasyon ang pagtugon sa hindi pantay na distribusyon ng mga nurse sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“As we work hard to improve the state of our healthcare system at home, let us join hands to maintain our country’s position as the gold standard when it comes to providing healthcare workers to hospitals and health facilities globally,” dagdag pa ng pangulo.

Daragdagan din umano ng administrasyon ang bilang ng mga nurse na papayagang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa.