PhilSa pinuri ni PBBM sa paggawa ng sariling space satellite

195 Views

PINURI ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Philippine Satellite Agency (PhilSa) sa determinasyon nitong gumawa ng sariling space satellite.

Ang satellite na tinawag na Multi-spectral Unit for Land Assessment o MULA ay gawa ng mga Pinoy na engineer ng PhilSa sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST).

Umaasa si Marcos na matatapos ang MULA na inaasahang pupunta na sa kalawakan sa 2025.

Ang MULA ay itinuturing na game-changer sa Philippine space technology na siyang magiging pinakamalaking Philippine-made na satellite.

Ang naturang satellite ay may bigat na 130 kilo at kayang makakuha ng datos sa lupa, at dagat sa lawak na 73,000 kilometro kuwadrado.

Ang pondo para sa MULA ay kasama sa 2023 National Expenditure Program (NEP).