Ulan Source: File photo ni JONJON C. REYES

Phivolcs: May posibilidad na umulan sa ikinakasang Labor Day na protesta

15 Views

MAY posibilidad umanong umulan sa ikinakasang kilos-protesta ng mga manggagawa asa ngayong Mayo 1, Labor Day sa buong bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Miyerkules.

Batay sa ulat ng Pagasa, ito ay dulot ng umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang Easterlies.

Inaasahan namang mawawala na sa loob ng 24 oras ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa Silangan ng Southern Mindanao .

Magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang bahagi ng Mindanao at Palawan dulot ng ITCZ.

Samantala, magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa ang Easterlies.

May posibilidad ng localized na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog, na maaaring magdulot ng maikli at biglaang malakas na pag-ulan.

Ayon pa sa Pagasa, mananatili ang mainit at mahalumigmig na kondisyon sa mga lugar na apektado ng Easterlies.