Phuket Waves Phuket Waves ang kampeon sa TBL. Photo courtesy of Thailand Basketball League.

Phuket Waves kampeon sa TBL

Robert Andaya Aug 31, 2023
445 Views

HINDI binigo ng Phuket Waves at playing coach James Martinez ang kanilang madaming mga taga-suporta matapos masungkit ang kampeonato sa Thailand Basketball League (TBL) kamakailan.

Nagsanib pwersa si Morakinyo Michael Williams, Hernal Escosio, Raymond Edward Miller at Martinez upang pabagsakin ng Waves ang No. 2 seed Ban Bueng Devil Rays, 100-98, sa Game 2 ng kanilang best-of-three title showdown sa National Stadium.

Nagbida si Williams, na nahirang na Most Valuable Player, sa kanyang 33 points sa 12-of-20 shooting bukod pa sa 16 rebounds at three blocks.

Samantala, si Escosio ay nag-ambag ng 25 points at seven rebounds para sa Waves.

Si Miller ay nagdagdag ng double-double na 17 points, 14 rebounds at six assists habang si dating PBA player Martinez at nagpakitang gilas din sa near triple-double na 14 points, 10 assists at seven rebounds,

“Sobrang sarap ng feeling, lalo na first time ko playing as head coach, tapos nag-champion pa. Sobrang proud ako sa achievement ng team namin dahil nagsimula kami as No. 4 nung pumasok sa semifinals at ngayon nga, champion na,” pahayag ni Martinez, na ang team ay sinusuportahan din ng Sprinto Shades bilang the official eyewear; Winzir at MEBL Apparel.

“Lahat talaga sa team namin nag step up, lalo na si Wowie (Escosio) nung nag fouled out si Ray (Miller). Grabe ang ipinakita nilang puso sa game. Hats off din ako kina Kenyo (Williams), Ray at

Wowie tsaka sa mga local players. Pati si coach Ronald Mojica,” dagdag ni Martinez, na unang sumikat noong naglalaro pa siya sa San Beda College at University of the East.

Nagpapasalamat din si Martinez, na nakatanggap din ng special award na Most Assists Made, sa iba pang mga tumangkilik sa kanilang team.

“Gusto kong pasalamatan lahat ng boss namin, si boss Jansen, boss Amp, boss Bird, boss Wp at boss JD, Madam Tine Perez at sir Ric ng Winzir, Pawlo Misolas ng Sprinto Shades, boss Keir ng MEBL Apparel. Pati na sa city ng Phuket para sa inyo ito. At syempre, para sa bayan natin Pilipinas.”

Nanguna si Mvuezolo Joe-Junior para sa Ban Bueng Devil Rays sa kanyang 27 points, seven assists at five rebounds. Nakatuwang niya si Jose NouchanThavong, na may 22 points, nine rebounds, four assists at four steals.

Mga iskor:

Phuket Waves (100) – Williams 33, Escosio 25, Miller 17, Martinez 14, Inmaphan 8, Saeming 3, Saema 0, Jaibunjerd 0.

Ban Bueng Devil Rays (98) – Joe-Junior 27, Thavoong 22, Thitikhunrat 16, Rongruang 13, Kularptip 7, Wongdee 6, Watngam 3, Poungmala 2, Tantiwong 2.

Quarterscores: 26-31, 55-57, 83-80, 100-98.