BBM1

Pilipinas hindi makikipag-giyera sa China

Chona Yu Jun 23, 2024
75 Views

WE are not in the business to instigate wars.”

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mga sundalo sa Palawan na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Sa Talk to the Troops sa Puerto Princesa, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magsisimila ng digmaan ang Pilipinas.

Sa kabila ito ng ginawang pag-atake ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung saan naputulan ng daliri ang isang sundalo.

Ayon sa Pangulo, mapayapa at masaganang buhay ang pangarap ng bawat Filipino.

Wala aniyang pamahalaang naglilingkod sa mga tao ang gugustuhin mapahamal ang buhay at kabuhayan ng kanyang mamayang.

Sisikapin aniya ng gobyerno na ayusin ang mga isyu sa mapayapang paras sa halip na gumamit ng pwersa o pananakot para makapanakit.

Bagamat kalmado sinabi ni Pangulong Marcos na hindi naman ito nangangahulugan ngvpagluhof dahil wala sa kasaysayan ng Pilipinas ang yumukod sa sino mang dayuhan.