PCG

Pilipinong beterano ng WW2 binigyang-pugay ng PCG-Honolulu

59 Views

PCG1

IPINAGDIWANG ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Honolulu ang Araw ng mga Beterano (Veterans Day) noong Nob. 11 sa pagkilala kay Oscar Bangui, ang nag-iisang buhay na Pilipinong beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Dumalo sa kaganapan si Hen. Antonio Nafarrete, chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at nag-abot kay Bangui ng plake ng pagkilala mula sa kanyang tanggapan.

Layunin nito na parangalan ang katapangan, sakripisyo at panghabambuhay na dedikasyon ng beterano sa paglilingkod.

Ipinanganak noong June 1, 1926, sa Solana, Cagayan, si Bangui ay nagsilbi ng tatlong taon sa United States Armed Forces in the Far East (USAFFE) at Philippine Scouts at nagretiro sa ranggong corporal.

Matapos ang digmaan, naglingkod siya sa Philippine Constabulary sa loob ng 30 taon.

Dumalo rin sa event ang mga miyembro ng pamilya ni Bangui at mga kinatawan mula sa Filipino Veterans Recognition and Education Project.