Calendar

Nation
Pinakamalaking barko ng PCG dumating na sa bansa
Peoples Taliba Editor
Feb 28, 2022
462
Views
DUMATING na sa Pilipinas ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang 97-meter multi-role response vessels (MRRV) ay tatawaging “Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) TERESA MAGBANUA (MRRV-9701)”.
Ito ang isa sa dalawang barko na binili ng PCG sa Mitsubishi Heavy Industries (MHI), Ltd.
Bago matapos ang Marso ay inaasahan naman ang pagdating ng isa pang 97-meter MRRV.
Ang pagbili ng mga bagong barko ng PCG ay bahagi ng modernisasyon ng ahensya upang mapalakas ang pagbabantay sa teritoryo ng bansa.