Vic Reyes

Pinakamalaking pagtitipon ng mga Pinoy, Hapones, dayuhan gaganapin sa Japan

Vic Reyes Jun 4, 2025
33 Views

BAGO ang lahat binabati natin ang bumubuo ng PHILIPPINE EXPO 2025, lalo na kina Hiroshi Katsumata at Lorna Pangan Tadokoro na siyang nakatutok upang masiguro ang tagumpay ng taunang pagdiriwang. Ito ay bukas sa publiko at walang entrance fee.

Ang tatlong araw na event (June 6-8) ay muling gaganapin sa Ueno Park, Tokyo Japan.

Tinaguriang “FRIENDSHIP AND GOODWILL BETWEEN JAPAN AND PHILIPPINES” isa ito sa pinakamalaki at masayang pagtitipon ng mga Filipino, Hapones, at iba pang foreign nationals.

Tampok sa event ang mga produkto at pagkaing Filipino.

May mga pagtatanghal din ng mga sikat na performers.

Kaya inaanyayahan ang lahat para sa taunang pagdiriwang!

Binabati rin natin ang ang mga kabayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yazuki, Mama Aki ng Ihawan; Josie Gelo, Hiroki Hayashi, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email: philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.

***

Mahigit dalawang linggo na lang ay pasukan na naman ng mga bata.

Ang School Year 2025-26 ay magsisimula sa Hunyo 16 at magtatapos sa Marso 2026.

Mabuti naman at ibinalik ang pagbubukas ng mga klase sa buwan ng Hunyo para bumalik din sa Abril at Mayo ang summer vacation.

Dahil sa climate change ay sobra na ang init sa bansa , lalo na sa mga buwan ng Abril at Mayo.

Mabuti sana kung may air-conditioning units ang mga silid-aralan ng mga pampublikong paaralan.

Ang mga klase ay magsisimula ng June 16 (Lunes) sa buong bansa.