Laurel

Pinas, France pinagtibay cooperasyon sa food system, trade

Cory Martinez Oct 21, 2024
85 Views

PINAGTIBAY uli ng Pilipinas at France ang pangako na magtutulungan para sa magandang food system at trade sa pagitan ng dalawang bansa.

Naganap ang partnership sa pagitan ng dalawang bansa matapos makipagpulong kamakailan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kay Italian Minister of Agriculture Francesco Lollobrigida sa ginanap na World Food Day sa Rome, Italy.

Bingyang-halaga ni Tiu Laurel ang partnership dahil tiyak na makikinabang ang bansa sa mga world-class agricultural machinery ng France.

Inalala ni Tiu Laurel ang isang key trade mission noong Marso 2023 na kung saan ilang kumpanya sa France na expert sa water management at irrigation ang nakikipag kolaborasyon sa ilang ahensya ng pamahalaang Pilipinas kabilang na ang Bureau of Soils and Water Management at ang National Irrigation Administration.

Dahil dito, inilatag na ang mas malalim na kooperasyon sa pagmo-moderno ng imprastrakturang agrikultura ng Pilipinas.

“Italy’s agricultural machinery industry is world-class, and the Philippines can greatly benefit from this expertise as we modernize our agricultural sector,” ani Tiu Laurel.

Sinabi ni Tiu Laurel na nagkasundo ang dalawang bansa sa isang draft na Memorandum of Understanding na may layunin na paigtingin ang productivity at agro-industrialization ng milyun-milyong Pilipinong magsasaka.

Umaasa din si Tiu Laurel na mapalawig pa ang pag-export ng mga produkto tulad ng tuna, pinya, frozen fish, carrageenan at desiccated coconut.

Noong 2023, umaabot sa $129 milyon ang na-export na produktong agrikultura ng Pilipinas sa France.

Lumaki ang demand ng mga produktong Pilipino sa naturang bansa dahil sa paglaki ng komunidad ng mga Pilipino na umabot na sa 200,000.

Binuo ng mga small at medium-sized enterprises ang Philippine Chamber of Commerce sa Italy upang ma-promote ang Philippine cuisine sa mga Italyano.