Gilas Gilas Pilipinas. Photo courtesy of FIBA

Pinas, may tsansa mag-Paris Olympics

Robert Andaya Aug 24, 2023
331 Views

KUNG papalarin na magkatotoo ang prediksyon ng mga batikang sports journalists mula BasketNews, ang Pilipinas — hindi China — ang makakakuha ng nag-iisang ticket ng Asia para sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa walo sa 14 sports staff ng BasketNews, ang Pilipinas ang may pinakamalaking tsansa na makapaglaro sa Paris mula sa mga bansa sa Asia.

Tatlong journalists naman ang naniniwala sa China, habang dalawa ang pumili sa Japan at isa sa Iran

Ang naturang survey ng BasketNews ay isinagawa kasabay ng ginaganap na FIBA World Cup 2023 mula Aug. 25–Sept. 10 sa Pilipinas, Japan at Indonesia.

Tanging 12 countries ang papayagang makalaro sa 2024 Paris Olympics, na kung saan ang France ay nakatitiyak na ng pwesto bilang host country.

Nagka-isa din ang mga nasabing BasketNews sports staff sa pagpili sa United States, na itinuturing na pinakamatagumpay na bansa sa Olympic basketball dahil sa kanilang panalo sa 16 sa 19 tournaments, bilang top favorite sa Paris Olympics.

Base din sa listahan, inaasahang makukuha ng Canada ang ika-dalawang pwesto na nakalaan para sa Americas.

Sa Europe, nanguna naman ang Germany (nine votes) at Serbia (seven votes)

Ikatlo naman ang Lithuania ( three votes).

South Sudan (seven votes), Cape Verde (four votes) at Angola (three votes) ang mga nangungunang bansa para aa Africa

Gayundin, ang Australia ang kanilang overwhelming choice para sa nag-iisang Oceania ticket laban sa New Zealand..

Inanunsyo din ng BasketNews, na may halos 10 million page views, ang kanilang World Cup 2023 predictions:

Winners –Team USA.

MVP — Anthony Edwards.

Top scorers — Doncic, Markkanen, Gilgeous-Alexander.

Darkhorse — Germany, Dominican Republic.

Most overrated — Slovenia.

Nakatakdang ganapin ang basketball competitions sa Paris Olympics mula July 27-August 11, 2024.