Frasco Si DOT Secretary Christina Garcia Frasco habang nagbibigay ng mensahe kaugnay sa 2024 World Travel Awards.

Pinas patuloy pagtanggap ng tourism awards, nominations

Jon-jon Reyes Sep 24, 2024
119 Views

PATULOY ang pagtanggap ng Pilipinas ng maraming awards at nominations sa 2024 World Travel Awards (WTA) kasunod ng tagumpay sa pagho-host ng WTA’s Asia and Oceania Gala Ceremony.

Pinarangalan ang bansa bilang Asia’s Leading Beach, Dive Destination at Island Destination sa WTA Asia and Oceania Gala Ceremony noong Setyembre 3.

Kinilala ang Intramuros bilang Asia’s Leading Tourist Attraction, habang ang Boracay tinanghal na Asia’s Leading Luxury Island Destination, ang Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination at ang “Love the Philippines” campaign ipinagdiwang bilang Asia’s Leading Marketing Campaign.

Ginawaran din si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ng Transformational Leader Award in Tourism Governance.

Ang Pilipinas naghahangad na ipagpatuloy ang sunud-sunod na panalo sa iba’t-ibang kategorya sa mundo sa 31st WTA.

Ngayong taon, nanalo ang bansa sa mga sumusunod na kategorya:

World’s Leading Beach Destination, World’s Leading Dive Destination, World’s Leading Island Destination, World’s Leading City Destination: Manila, World’s Leading Wedding Destination: Cebu, World’s Leading Tourist Attraction: Intramuros, World’s Leading Marketing Campaign: Love the Philippines ng the Department of Tourism, World’s Leading Tourist Board: Department of Tourism

“Nalulugod kami na makita ang Pilipinas na patuloy na nakakakuha ng nararapat na puwesto sa pandaigdigang yugto.

Paulit-ulit, ang mga nominasyong ito sa World Travel Awards lalong nagpapatingkad sa kagandahan ng ating mga isla at sinasalamin nito ang hilig at dedikasyon ng mga Pilipino.

Ang bawat nominasyon pagdiriwang ng aming mga natatanging karanasan at hindi kami makapaghintay na salubungin ang mga manlalakbay mula sa iba’t-ibang panig ng mundo,” sabi ni Secretary Frasco.

Nakakuha din ng atensyon ng mundo ang bansa. Ang mga nominations ng pribadong sektor kinabibilangan ng: Cebu Pacific for the World’s Leading Long-Haul Low-Cost Airline, Savoy Hotel Manila for the World’s Leading Airport Hotel, Discovery Primea for World’s Leading Business Hotel, City of Dreams Manila and Okada Manila for World’s Leading Casino Resort, Admiral Hotel Manila-MGallery for World’s Leading Design Hotel, Amanpulo and Atmosphere Resorts & Spa for World’s Leading Dive Resort, City of Dreams Manila for World’s Leading Fully Integrated Resort, Raffles Makati for World’s Leading Hotel Residences, Ascott Bonifacio Global City Manila and Ascott Makati for World’s Leading Serviced Apartments, El Nido, Pangulasian Island for World’s Leading Themed Resort, Amanpulo for World’s Leading Luxury Villa Beach Resort and World’s Leading Private Island Resort, Banwa Private Island for World’s Leading Exclusive Private Island, World’s Leading Luxury Island Resort, and World’s Leading Luxury Private Island Resort.

Ang Pilipinas regular na nakakuha ng mga parangal mula sa WTA sa mga nakaraang taon na higit pang nagpapalakas sa reputasyon nito bilang isang nangungunang pandaigdigang destinasyon.

“Ang mga natatanging katangian ng Pilipinas patuloy na pinagmumulan ng pagmamalaki sa bawat Pilipino. Hinihikayat ko ang lahat na bumoto at tulungan kaming ihayag sa mundo ang maraming bagay na dapat Mahalin ang Pilipinas,” sabi ng Kalihim.

Suportahan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagboto bago ang deadline sa Oktubre 20, 2024 Upang bumoto, bisitahin ang opisyal na website ng World Travel Awards sa https://www.worldtravelawards.com/vote.