Kelot utas sa salpok ng 2 motor; riders tumakas
Nov 8, 2024
Calendar
Sepak takraw bronze medalists Jom Rafael, Rheyjey Ortouste, Mark Gonzales, Jason Huerte, Ronsited Gabayeron at Vince Torno
PSC-POC photo
Other Sports
Pinas sinukbit ang bronze sa Asiad sepak takraw
Peoples Taliba Editor
Oct 4, 2023
265
Views
HANGZHOU – Nabalewala ang pasiklab sa umpisa ng national team laban Indonesia, taob sa semifinals, 21-15, 24-25, 17-19 , para magkasya sa bronze ng 19th Asian Games sepak takraw men’s quadrant sa Jinhua Sports Centre Gymnasium sa Zhejiang Province rito Martes ng hapon.
Ito ang buena manong medalya ng Team ‘Pinas na mga suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee sa ikalimang pagsipa sa 45-nation, 16-day sports conclave.
Bumida ura-urada sina Jason Huerte, Rheyjey Ortouste, Vince Alyson Torno at Mark Joseph Gonzales first set, saka kinapos sa second, at sa tie-breaker para akbayan sa bronze ang Japan.
Pumalaot sa Final 4 ang PH squad nang magbaon ng 3-1 won-lost record sa Group B preliminaries.
Pinagkakaldag ang Japan, 21-18, 11-21, 21-19, at ang South Korea, 21-17, 11-21, 21-12, ng Linggo ng umaga’t hapon.
Winalis naman ng mga alipores ni coach Rodolfo ‘Rudy’ Eco ang Singapore Martes ng umaga, 21-8, 21-15, para maitakda ang duwelo sa Indonesians kinahapunan at tumilapon. Ang Indons at
Myanmar at magpapang-abot sa gold sa Miyerkoles (Oct. 4) ng umaga.
Sina Huerte, 28, ng Marikina, at Ortouste ang natira sa 10-player PH team na sumabak sa 2018 Jakarta-Palembang Asiad.
Napabilang ang sepak takraw na medal sport sa 45-nation, 16-day sportsfest na ito noong 1990 sa Beijing.
Pinoy paddlers hindi palulupig
Oct 30, 2024
Women’s Run PH dadayo sa Iloilo
Oct 30, 2024
IP Games, asam gawing institusyon
Oct 30, 2024
Russian players nagpakitang gilas sa Tagaytay
Oct 16, 2024
Toledo Trojans hindi maawat
Oct 11, 2024
Top Indian players dadayo para sa Asian juniors
Oct 6, 2024
PCAP: Toledo chessers nagpasiklab
Oct 6, 2024