Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
DOH

PinasLakas activities kinansela ng DOH

247 Views

KINANSELA ng Department of Health (DOH) ang lahat ng PinasLakas activity sa Lunes, Setyembre 26 dulot ng masamang panahon.

Magsasagawa sana ang DOH ng PinasLakas Special Vaccination Days sa Setyembre 26 hanggang 30 para mapataas ang bilang ng mga indibidwal na nakapagpa-booster shot na.

Sa datos ng DOH, nasa 19 milyon pa lamang ang nakapagpa-booster shot na mula sa 72.9 milyong fully vaccinated na indibidwal.

Target ng DOH na mapaabot sa 23.8 milyon ang mga nabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ng Marcos administration.