Pingris Pingris

Pingris: Bawal mainit ang ulo

Robert Andaya Nov 21, 2022
423 Views

SA PSL, bawal ang mainit ang ulo.

Ito ang pagtitiyak ni dating PBA at Gilas Pilipinas player Marc Pingris sa kanyang mensahe bilang commissioner ng.nalalapit na Pilipinas Super League Dumper Cup ngayong Nov. 23 sa Smart Araneta Coliseum.

“Kapag may nag-amok, ayaw ko munang i-fine kaagad kasi gusto ko munang i-review kung saan nagsimula kasi ang pangit naman kapag ifa-fine mo kaagad,” pahsyag ni Pingris “But nagde-decide naman iyong referees doon at nandun naman kami sa games.”

“So, ire-review na nila tapos papapuntahin namin sa office, kakausapin namin bago kami maglabas ng hatol sa kanila,” dagdag pa ng 41-taong-gulang na si Pingris.

“Every time kinakausap ko iyong referees, nagmi-meeting kami before mag-start ang games. Ang sabi ko kapag may nagmura na coach o kahit sino iyan, minsan kasi may mga politikong nanonood, ang sabi ko kapag minura kayo, tawagan ninyo kaagad ng technical,” paliwanag ni Pingris, ns tinagurian ding Pinoy Sakuragi.

“Kapag inaaway kayo ng mga coach, bigyan ninyo ng warning pero kapag minura or dinuro kayo, technical kaagad iyan or kapag below the belt ang ginawa, paalisin ninyo sa game kasi hindi ko kino-consider talaga iyong mga ganoon.”

“Maging fair tayo sa lahat. Huwag kayong (game officials) matakot tumawag. Ako ang nasa likod ninyo. Kakausapin ko iyong management and coaches and maging pantay lahat kahit homecourt nila kasi mas magandang liga kapag pantay lahat.”

Kalahok sa nasbing yournament Davao Esgles, Boracay Islanders, Nueva Ecija Slashers, ARS Warriors, Batang Kankaloo, Cagayan de Oro-PSP, Homelab Nation Manila, Quezon City Beacons, Muntinlupa, Sta. Rosa Laguna Lions, Bicol Spicy Oragons, Pampanga Giant Lanterns, Lakan-Bulacan at Pampanga Royce.

Mapapanood sa opening day sa Big Dome ang Davao at Boracay simula 6 p.m. at Sta. Rosa Laguna Lions at Cagayan De Oro–PSP sa 8 p.m.

Ang tournament format na single-round elimination, na ang top four teams ay magkskamit ng twice-to-beat incentives sa the quarterfinals.

Ang crossover semifinals at championship ay kapwa best-of-three affair.