pinklawan

Pinklawan nag-iwan ng tone-toneladang basura sa Pasay, binatikos sa socmed

Nelo Javier Apr 24, 2022
448 Views

BINATIKOS ng netizens ang mga “pinklawan” na dumalo sa rally ni Leni Robredo sa Pasay nitong Sabado matapos ang mga itong mag-iwan ng tone-toneladang basura sa mga lansangan.

Nagsimula ang pagbatikos ng mga netizens matapos mag-post ng maraming larawan ang official Facebook page ng MMDA ukol sa mga nagkalat na basura sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Ave., sa Pasay.

“Ngayong umaga ay nagsasagawa ng cleanup operations ang mga kawani ng MMDA sa bahagi ng D. Macapagal Ave., sa Pasay. Tulong-tulong sila sa pagwawalis at paghahakot ng mga basura sa nasabing lugar,” ayon sa FB post ng MMDA.

HIndi naman ito nakaligtas sa mga galit na netizen na agad nagpahayag ng kanilang galit at pagkadismaya sa mga iniwang basura.

“At least consistent ang pinklawan. Todo bash sa MMDA before rally, ang ending sila maglilinis sa kalat niyo,” ayon sa galit na netizen na nakilalang si John Robert.

Tinutukoy ni John Robert ang batikos na tinanggap ng MMDA sa mga pinklawan matapos ipasara ng ahensya ang kalsada ilang araw bago magsimula ang rally ni Robredo. Pero nilinaw ng MMDA na kaya nila ipinasara ang lugar ay dahil na rin sa kahilingan ng mga organizer ni Robredo para bigyang daan ang rally nito.

“The so called educated as they proclaimed themselves nagkalat ng Basura sa Pasay,” ayon naman sa netizen na si Abian Ascura Belz.

“Yung tinatawag niyong hayop ang naglinis ng kalat nyong mga professional!! Ugaling professional squatters,” ayon naman kay Dheng Phi.

Marami rin ang nagpasalamat sa kabayanihang ginawa ng mga tauhan ng MMDA.

“Sosyal, may taga-linis ang mga matapobre. Ganyan ang klase ng pamamahala ang gusto niyo? Walang disiplina at malasakit sa kapaligiran. Maraming salamat MMDA,” sinabi ni N-ghel Castillo.

“MMDA maraming salamat sa mga tao niyo na nagsisilbi sa bayan kahit na anong batikos. God bless po!,” komento naman ni Cliff Reyes Villareal.