Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Bayron Mayor Bayron (kaliwa) at Escollante.

Pinoy paddlers hindi palulupig

Robert Andaya Oct 30, 2024
68 Views

PUERTO PRINCESA City — Muling matutuon ang pansin ng lahat sa Palawan, na itinuturing na isa sa mga pangunahing sports destinations sa bansa, sa gaganaping 2024 ICF-Dragon Boat World Championships ngayong October31-November 3.

Ang venue ng prestihiyosong kumpetisyon ay ang Baywalk sa Puerto Princesa City.

Inanunsyo ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron na nagtutulungan ang government at private sectors dito sa beautiful island province na kilala din bilang “Last Frontier” ng bansa upang tiyakin ang tagumpay ng four-day event na isinusulong ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF), sa pangunguna ni President Len Escollante.

Inihayag din ni Mayor Bayron na aabot sa 1,400 paddlers mula 27 countries ang inaasahang dadayo at lalahok sa 52 events sa International Canoe Federation (ICF)-sanctioned competition.

Idinagdag pa niya na halos lahat ng kalahok na bansa ay dumating na sa Puerto Princesa upang mag-acclimatize at magsanay sa race course.

Sa datos mula organizers, ang India ang may pinakamadaming kalahok sa kanilang 140 paddlers kasunod ang Thailand na may 87, Singapore na may 74 at Iran na may 63.
Ang host Philippines ay kakatawanin ng 200 paddlers.

Samantala, sinabi ni Escollante na inanyayahan nila ang mga leading government personalities upang saksihan ang grand opening ceremony sa Oct. 31.

Kabilang sa mga ito sina Senators Bong Go, Pia Cayetano, Francis Tolentino at Cynthia Villar, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.