Writer

Pinoy writer pinarangalan ng library sa LA

24 Views

Writer1

LOS ANGELES, California–Tinanggap ng komunidad ng mga Pilipino dito ang pag-apruba ng Board of Library Commissioners para ialay ang Echo Park branch ng Los Angeles Public Library sa manunulat na si Carlos Bulosan.

Ang nasabing desisyon ay dumaan sa masusing proseso at nakatanggap ang lupon ng kabuuang 121 reaksyon o komento at lahat ay nagpahayag ng buong suporta.

Ayon kay Consul General Adelio Angelito S. Cruz, ang pag-aalay ng nasabing pasilidad kay Bulosan ay parangal sa kanyang mga legacies.

Si Carlos Sampayan Bulosan ay isinilang sa Mangusmana, Binalonan, Pangasinan noong Nobyembre 24, 1913.

Lumipat siya sa Amerika noong Hulyo 1, 1930 at doon na nanirahan hanggang pumanaw noong Setyembre 11, 1956.

Siya ang may-akda ng “America Is in the Heart,” na naglalarawan sa buhay at pakikibaka ng mga imigrante.