shesh Wong: Bida ng wushu.6

Pinoy wushu stars, walang uurungan

Ed Andaya Mar 3, 2022
439 Views

SA kabila ng matinding hamon, hindi patatalo ang Pilipinas sa wushu competitions sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnsm mula May 12-23.
Naniniwala ang Wushu Federation of the Philippines, sa pamumuno ni president Freddie Jalasco, na kakayanin ng 11-member Filipino team na lumaban ng sabayan sa host Vietnam at iba pang bansa.

“Yes, the Filipinos can (do it again),” tugon ni Jalasco sa katanungan tungkol sa mga Filipino wushu stars na sasabak sa SEA Games sa panayam sa “Sports On Air” program via Zoom kamakailan

“We may not win as many gold medals as the seven that we won during the 2019 edition in Manila, but we’ll be there in the thick of the fight,” pahayag ni Jalasco sa six-man panel na binubuo ng mga veteran sports journalists.

Inanunsyo ni Jalasco na sina Agatha Wong, na two-time gold medalist sa taijiquan at taijijian events ng women’s taolu nung 2019, at Divine Wally, na nagwagi din ng women’s sanda gold, ay magpapasigla sa kampanga ng bansa.

“Although hindi pa talaga kami nakapagsisimula ng training as a team, our athletes, like Agatha have prepared individually. So, in my conservative estimate, we can easily get 2-3 gold medals,” paliwanag pa ni Jalasco, na humalili kay Julian Camacho bilang wushu president nung nakalipas na taon.

“Bukod kay Agatha, nandyan pa sa team si Divine Wally. Tapos si Clemente Tabugara, Jr., na naka gold din dati sa Manila at si Daniel Parantac, kasama pa din sa team. So, malakas pa din tayo.”

Gayunman, inamin ni Jalasco na dadaan sa butas ng karayom ang Pinoy wushu bets laban sa host Vietnam.

“Yun Vietnam, naka three golds, two silvers and seven bronzes sa Manila in 2019. Ngayon as host country, sila naman ang makalalamang. Naglagay nga sila ng dagdag na weight categories.

Ganyan naman talaga kapag host,” dagdag ni Jalasco, na naging presidente din ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

“The lack of training venue with complete facilities is the only thing slowing down the Filipino wushu athletes,” sabi ni Jalasco.

“As of now, hindi pa rin kami nakakapag-start ng training kahit naka-billet na ang mga atleta sa bubble training gym sa WFP building sa Rizal Memorial Complex. But were hopeful na makapagsimula na agad sa tulong ng PSC.”

“Sa ngayon, we have 15 athletes plus training director Samson Co and the coaches. I had a meeting with them a few weeks back and I told them to stay in good shape and maintain their focus. Sa

Hanoi, kailangan ibigay natin lahat ang makakaya kasi nga we’re fighting not for ourselves but for the country.”

“Sa WFP, we always go by the three Ds — dedication, determination and discipline. Alam ng mga atleta namin yun.”

Hinihintay na din ng dating basketball player-turned- sports leader ang pagdating ng Chinese coach ng wushu team.

“We are also waiting for our Chinese coach to arrive. Sana maayos agad ang papers niya kasi very risky sa kanila ang pag-travel. We’re coordinating with the PSC para ma-facilitate ang mga papers niya sa DFA. Hopefully yung Chinese Embassy, matulungan din siya makapunta dito agad.”

Sinabi din ni Jalasco, ang unang non-Chinese speaking official na nalahal sa 32-year-old wushu body, na si SEA Games gold medalist Jessie Aligaga ay bahagi na ng national team.

“Si Jessie nag-retire na, pero malaki ang maitutulong nya ngayong part na sya ng coaching staff natin. Makatutulong yung mahabang experience niya. Nandun siya sa 2019 SEA Games. Kasama ko rin siya sa World Championships sa Iran, na tinalo niya ang China kaya malaki ang tiwala ko sa kanya,” dugtong ni Jalasco, na una na ding nagsilbi bilang vice president at executive director ng wushu federation.

Si Jalasco ay isa sa limang officials ng mga combat sport associations na dumalo na sa weekly sports forum.

Ang apat na iba pa ay sina Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar and Kurash Sports Federation of the Philippines head Rolan Llamas nung Feb. 18; at Philippine

JudoFederation secretary-general David Carter at Samahang Kickboxing ng Pilipinas secretary-general Wharton Chan nung Feb. 25.