Pintor

Pintor himas rehas sa panghahalay ng menor de edad

Edd Reyes Feb 3, 2025
14 Views

BAGSAK sa kamay ng pulisya ang 32-anyos na pintor dahil umano sa panghahalay ng menor-de-edad niyang pamangkin noong Linggo sa Las Piñas City.

Dakong alas-11:00 ng umaga natunton ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas police si alyas Frendo sa Brgy. Elias Aldana sa Las Piñas City, ayon sa report.

Ayon kay Southern Police District Director P/BGen. Manuel Abrugena, inilabas ang warrant of arrest laban sa akusado ni Las Piñas Family Court Judge Mildred Jacinto Marquez ng Branch 12 para sa statutory rape at two counts ng sexual assault.

Walang inirekomendang piyansa kapalit ng temporary liberty ng suspek.

Batay sa rekord ng pulisya, paulit-ulit na hinalay ni Frendo ang 13-anyos niyang pamangkin subalit hindi kaagad makapagsumbong sa kanyang ina dahil palagi siyang binabantaan ng suspek na may mangyayaring masama sa kanya kung siya’y magsusumbong.