chess

Pirates, Knights hindi maawat

Ed Andaya Mar 21, 2022
415 Views

NAKATITIYAK na ang Pasig Pirates at Iloilo Kisela Knights para sa top seed sa kani-kanilang divisions kahit may natitira pang isang round sa 2022 PCAP All-Filipino Conference kamakailan

Pinayuko ng Pasig ang Quezon City Simba’s Tribe, 15-6, at Olongapo Rainbow, 20-1, habang winalis ng Iloilo ang Cebu Machers, 17-4, at Zamboanga Sultans, 13-8, para sungkutin ang top spot sa

Northern Division at Southern Division, ayon sa pagkasunod

Tinuhog nina GM Mark Paragua, Sherily Cua.and Eric Labog, Jr. ang 3-0 sweeps laban sa kanilang mga katunggali para iganti ang Pasig sa kanilang nag-iisang talo na ipinalasap ng Quezon City.

Itinumba ni.Paragua si Joseph Navarro, binigo ni.Cua si Michaela Concio, at iginupo ni Labog si Christian Paulo Cristobal para sa naghihiganting Pirates sa 24-team tournanent na iyinataguyod ng San Miguel Corp. at Ayala Land.

Naapag-ambag din si IM Cris Ramayrat sa kanilang tagumpay matapos maungusan si Quezon City playing team manager Danilo Ponay, 2-1, sa kanilang senior encounter.

Tumabla naman si GM Darwin Laylo laban kay Robert Arellano,1.5-1.5, sa board two.

Si Robert Suelo ang tanging nanalo para sa Quezon City matapos blankahin si Kevin Arquero, 3-0, sa board five.

Mas naging madali ang panalo ng Pasig laban sa Olongapo, na kung saan halos madomina nila ang lahat ng kanilang blitz at rapid matches.

Tanging si Gil Conrad Corre ang nakakuha ng puntos para sa Olongapo matapos tumabla kay Arquero sa.kanilang rapid game.

Natapatan naman ng Iloilo ang mahusay na mga laro ng Pasig sa kanilang sweep laban sa kanilang Southern Division opponents — Cebu at Zamboanga.

Samantala, namayani ang San Juan Predators laban sa Mindoro Tamaraws, 15-6, at defending champion Laguna, 15.5-5.5, para manatili sa second place sa North sa kanilang 28-5 win-loss record; at nanaig ang Davao Eagles laban sa Cagayan de Oro, 11-10, at Camarines Eagles, 12-9 para second place sa South sa kanilang 26-7 record.

Standings after 33 rounds:

Northern Division

Pasig 32-1; San Juan 28-5, Laguna 25-8; Caloocan 22-11; Manila 16-17, Cagayan 16-17; Quezon City 14-19, Isabela 14-19, Rizal 14-19; Cavite 9-24; Mindoro 6-27, Olongapo 5-28.

Southern Division

Iloilo 29-4; Davao 26-7;.Zamboanga 24-9; Negros 21-12; Toledo 20-13 Surigao 20-13; Camarines 19-14, Cagayan de Oro 13-19; Palawan 7-26; Cebu 6-27; Iriga 5-28, Tacloban 4-29.

Schedule:

Round 34 –Cagayan vs. Caloocan, San Juan vs Cavite, Rizal vs Isabela, Quezon vs Laguna, Pasig vs Manila, Olongapo vs Mindoro, Camarines vs Cagayan de Oro, Zamboanga vs Cebu, Toledo vs

Davao, Tacloban vs Iloilo, Surigao vs Iriga, Palawan vs Negros.