chess

Pirates, Knights tuloy ang pananalasa

Ed Andaya Mar 5, 2022
484 Views

HINDI pa din mapigil ang Pasig Pirates at Iloilo Kisela Knights sa kanilang pananalasa sa 2022 PCAP All-Filipino Conference chess tournament kamakailan

Winalis ng Pasig ang Negros Kingsmen, 12-9, at Palawan Queen’s Gambits, 17-4, upang mapanatili ang liderato na may 22-1 win-loss record at 344 total points sa Northern Division.

Nagpasiklab din ang Iloilo para pataubin ang Mindoro Tamaraws, 16-5, at Manila Indios Bravos, 17.3-3.5, at patuloy na manguna na may 21-2 record at 322.5 points sa Southern Division.

Dahil sa mga nasabing panalo, lalo pang tumibay ang kampanya ng Pasig at Iloilo sa prestihiyosong 24-team tournament na itinatagiyod ng Professional Chess Association of the Philippines at sinusuportahan ng San Miguel Corporation at Ayala Land.

Nagpakitang gilas muli sina GM Mark Paragua, GM Darwin Laylo, Sherily Cua, IM Cris Ramayrat at Rudy Ibanez paea pangunahan ang Pirates sa panalo laban sa Kingsmen at Queen’s Gambits.

Tuloy din ang pamamayani nina GM Rogelio Antonio, Jr., Karl Victor Ochoa, WFM Cherry Ann Mejia, at NM Cesar Mariano para naman sa Kisela Knights, na wagi laban sa Tamaraws at Indios Bravos.

Samantala, binulaga ng Davao Eagles ang Manila, 14-7, at defending champion Laguna Heroes, 11.5-9.5, upang
manatili sa second place sa South na may 18-5 record.

Nagpasikat si FM Roel Abelgas ng Davao matapos nigang biguin sina CM Jerry Areque ng Manila, 2-1, at GM Rogelio Barcenilla, Jr. ng Laguna, 2-1.

Humirit din ng panalo para sa Davao si IPCA world champion GM Sander Severino matapos itumba si Rolando Andador ng Manila, 2-1.

Ang iba pang nanalo para sa Eagles ni coach James Infiesto ay sina AGM Rowelyn Joy Acedo, NM Alex Lupian, NM Jonathan Tan at NM Aglipay Oberio.

Nakabawi naman ang Laguna matapos pabagsakib ang Cebu Machers, 20-1, para manatili sa third place sa North,

Gumawa din ng ingay ang Rizal Towers sa kanilang panalo laban sa Surigao Fianchetto Checkmates, 15.5-5.5, at Tacloban Vikings, 15-6.

Ang Eduardo Madrid-managed Towers ay umskyat sa 10-13 record at nanstiling may pag-asa sa isa sa walong quarterfinal slots.

Ang PCAP, ang una at nag-iisang play-for-pay chess league sa bansa, ay pinangungunahan nina Atty. Paul Elauria as President- Commissioner; Michael Angelo Chua as Chairman; Dr. Ariel Potot as Vice Chairman at Atty. Arnel Batungbakal as Treasurer.

Ang tournament ay may basbas ng Games and Amusements Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Abraham “Baham” Mitra at sinusuportahan din ng National Chess Federation of the.Philippines (NCFP), sa pamumuno ni Chairman/President Prospero “Butch” Pichay.

Standings matapos ang 23 rounds:

Northern Division

Pasig 22-1; San Juan 19-4, Laguna 18-5; Caloocan 15-8; Cagayan 12-11; Isabela 11-12; Rizal 10-13, Quezon City 10-13; Manila 9-24; Cavite 5-18, Olongapo 5-18, Mindoro 5-18

Southern Division

Iloilo 21-2; Davao 18-5, Zamboanga 16-7; Negros 15-8; Toledo 14-9, Surigao 14-9 Camarines 11-12, Cagayan de Oro 11-12; Palawan 6-17; Cebu 5-18; Iriga 2-21, Tacloban 2-21.

Schedule

Round 24 — San Juan vs. Caloocan, Rizal vs. Cagayan, Quezon vs. Cavite, Pasig vs. Isabela, Olongapo vs. Laguna, Mindoro vs. Manila, Zamboanga vs. Cagayan de Oro, Toledo vs. Camarines,

Tacloban vs. Cebu, Surigao vs Davao, Palawan vs. Iloilo, Negros vs. Iriga.

Round 25 — Caloocan vs. Rizal, San Juan vs. Quezon, Cagayan vs. Pasig, Cavite vs. Olongapo, Isabela vs. Mindoro, Laguna vs. Manila, Cagayan de Oro vs. Toledo, Zamboanga vs.Tacloban, Camarines vs Surigao, Cebu vs. Palawan, Davao vs. Negros, Iloilo vs. Iriga