Pitaka

Pitaka ng pasahero nawala sa Palawan airport, naibalik ng empleyado

Jun I Legaspi Dec 19, 2024
72 Views

NAMAYANI ang katapatan sa Puerto Princesa International Airport Huwebes, Disyembre 19, 2024, matapos ibalik ni Christian James Andres, isang kawani ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS), at ng pasaherong si Kevin Velasco ang isang itim na pitaka.

Ang pitaka, na pagmamay-ari ni Ryuji Nakayama, pasahero ng flight 5J636 Cebu Pacific papuntang Maynila, ay naglalaman ng perang yen at peso, mga identification card, at iba pang mga card.

Nananawagan si Naga Rascal, Area Manager ng Area Center 4, sa mga nakakakilala kay Ryuji Nakayama na ipagbigay-alam sa kanya na ang kanyang pitaka ay maaaring kunin sa CSIS Office na matatagpuan sa Passenger Terminal Building ng Puerto Princesa International Airport.

Ang aksyong ito ng katapatan ay sumasalamin sa sama-samang dedikasyon ng mga kawani at pasahero ng paliparan sa pagpapanatili ng ligtas at maaasahang kapaligiran para sa lahat.