PM Vargas: Kabataan pa rin ang pag-asa ng Pilipinas

Mar Rodriguez Jun 5, 2024
158 Views

PM Vargas PM Vargas PM Vargas PM Vargas

NANINIWALA si House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas na sa kabila ng pagiging agresibo at mapangahas ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan, sila pa rin ang nananatiling pag-asa ng Pilipinas at ng susunod na henerasyon.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Varags ang graduation ng libo-libong Grade 6 students ng Maligaya Elementary School sa Novaliches, Quezon City kasunod ng kaniyang pasasalamat sa magulang ng mga nagtapos na mag-aaral na hindi sumuko para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ayon kay Vargas, ang mga nagsi-tapos na estudyante ng Maligaya Elementary School ay larawan na may nananatiling pag-asa para sa bagong henerasyon ng mga Kabataan. Sa kabila ng obserbasyon ng ilang nkakatanda na nagsasabing ibang-iba na ngayon ang henerasyon ng mga Kabataan.

Binigyang diin ni Vargas na sa kabila ng kasalukuyang pinagdadaanan ng mga kabataan, hindi parin aniya dapat sumuko ang mga magulang na maitaguyod ang kinabuksan ng kanilang mga anak partikular na ang kanilang pag-aaral na huhubog sa kanilang pagkatao at character.

“Congratulations sa mga Grade 6 students ng Maligaya Elementary School. Proud kami sa inyong lahat at buong puso din nating pinasasalamatan ang ating mga magulang. Nawa’y maipagpatuloy ng ating mga anak ang kanilang pag-aaral ng puno ng suporta at pagmamahal mula sa ating pamilya,” sabi ni Vargas.