PN, PCG pinasalamatan ng DFA sa ‘smooth’ RORE mission

Edd Reyes Jan 25, 2025
16 Views

NAGPASALAMAT ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) sa tagumpay na panibagong rotation and re-provisioning (RORE) mission ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Enero 24.

Iyon ang ika-5 RORE mission sa Ayungin Shoal na naglalayong maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at maling kalkulasyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng gusot sa West Philippine Sea.

Nagpapakita rin ito ng epektibong diplomasya sa pagganap ng mahalagang papel sa isyu ng WPS at lumilikha ng daan sa makabagong paraan na tutulong na mapamahalaan ang sitwasyon ng hindi makompromiso ang interes ng bansa.

Ang ika-10 Philippine-China Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na ginanap sa Xiamen naging daan upang magkaroon ng positibong pagkakaunawaan ang Pilipinas at China na kapwa sumang-ayon na ipagpatuloy ang implementasyon at mabawasan ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.