Calendar
Provincial
PNP pinarangalan Bgy Paharang dahil sa kampanya vs krimen, terorismo, droga
Jojo Cesar Magsombol
Jun 4, 2025
414
Views
GINAWARAN kamakailan ng Philippine National Police- CALABARZON Region ng Community Mobilized Barangay certificate ang Bgy. Paharang Kanluran sa Batangas City dahil nakumpleto nito ang mga requirements sa implementasyon ng Community Mobilization Project sa Camp Vicente Lim sa Calamba City.
Nakapaloob sa naturang proyekto ang pagtatayo ng Barangay Defense System upang masugpo ang kriminalidad, terrorismo at iligal na droga.
Kabilang din dito ang pagtugon ng barangay sa man-made at natural disasters.
Ang nasabing parangal ay iprinesenta ng Batangas Component City Police Station (BCCPS) sa flag ceremony ng mga kawani pamahalaang lungsod noong Biyernes, June 2, 2025.
Bebot na HVI sa Cainta tiklo sa P1.7M shabu
Oct 14, 2026

