Calendar
Source: PCADG
PNP tiniyak kaligtasan ng publiko sa 3 araw na rally
NAKA-FULL alert na ang Philippine National Police (PNP) noong Biyernes ng hapon bilang paghahanda sa nakatakdang mga rally sa Manila at Quezon City sa Nobyembre 16, 17 at 18.
Kasabay nito, tiniyak ni acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. na nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat Pilipino.
Simula alas-5 ng hapon noong Biyernes, naka-full alert na ang buong PNP upang matiyak na ang lahat ng yunit ay may sapat na tauhan, kagamitan at kahandaan.
Nagsimula ang paunang deployment nitong Sabado at inaasahang kumpleto ang puwersa sa simula ng mga aktibidad.
Ayon sa hepe ng PNP, nakaposisyon na ang mga pulis sa mga estratehikong lugar sa Metro Manila, na suportado ng mga yunit mula sa iba’t ibang rehiyon upang masiguro ang seguridad sa lahat ng pangunahing lugar.
“With the expected influx of people, we have activated a comprehensive security plan that covers ground operations, traffic management, intelligence monitoring, emergency response, and maritime patrols. All teams are ready to move and respond as needed,” sinabi ni Nartatez.
“To every participant, commuter, and resident: the PNP is prepared. Our coordination with partner agencies is tight, and our police officers are committed to keeping these gatherings peaceful, orderly, and safe for everyone,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Nartatez na lubos na iginagalang ng PNP ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon.
“In return, we ask everyone to observe safety reminders, cooperate with our officers on the ground, and help keep the environment calm and orderly. The Philippine National Police remains vigilant, steady, and fully ready to protect every Filipino during this major event,” aniya.
Kabuuang 16,664 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), national support units at iba’t ibang Police Regional Offices ang itinalaga upang magbigay seguridad sa mga pangunahing lugar.
Tiniyak ni Nartatez na handa ang PNP para sa malakihang pagtitipon, at binigyang-diin na ang lawak ng kaganapan ay nangangailangan ng mas malawak at estratehikong deployment ng tauhan.
“The gathering is massive, and there are many areas that need to be secured, so we have strengthened the presence of our police personnel. Our goal is to ensure everyone’s safety and to maintain peace throughout the three-day activities,” saad ni Nartatez.
Inaasahang dadagsa ang malaking bilang ng tao sa People Power Monument at EDSA Shrine para sa United Peoples Initiatives na inaasahang aabot sa 300,000 kalahok, at sa Quirino Grandstand na inaasahang magtitipon ang humigit-kumulang 100,000 katao kada araw para sa religious activity.
Kabilang sa iba pang pangunahing lugar ang Liwasang Bonifacio, ICI Grounds, Senate of the Philippines, House of Representatives, US Embassy, Ayala Bridge at mga pangunahing kalsada sa Manila at Quezon City.
Upang masakop ang mga lugar na ito, nakaposisyon ang mga pulis sa Quezon City, Manila, Pasay at mga pangunahing road networks, kabilang ang mga gusali ng pamahalaan, control points at high-density routes patungo sa mga rally site.
May karagdagang yunit para sa intelligence monitoring, logistical support, emergency response at seaborne patrols.
Ayon kay Brig. Gen. Randulf T. Tuaño, tagapagsalita ng PNP, layunin ng presensya ng pulis na magbigay ng reassurance sa publiko at mapanatili ang kaayusan sa buong tatlong araw.
“We want everyone to know that the PNP is on top of the situation. We have enough personnel, resources, and coordination with partner agencies to ensure safety. We call on participants to cooperate, follow security reminders, and help keep the activities peaceful,” aniya.
Habang iginagalang ng PNP ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon, mahigpit na ipatutupad ang mga safety protocol upang maiwasan ang anumang abala at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng dadalo, ayon kay Nartatez.
Sa ganap na pag-activate ng security operations, handa ang PNP na pangalagaan ang publiko sa buong tatlong araw na kaganapan.
Pinangungunahan ng NCRPO sa ilalim ni Major Gen. Anthony A. Aberin ang paghahanda para sa seguridad ng mga rally.

