Calendar
POGO operasyon sa hotel sa Malate nabuking, 75 huli
SANIB puwersa ang National Capital Regional Office (NCRPO) at Anti – Cybercrime Group nang salakayin Martes ang isang hotel sa Malate, Manila na umano’y nag ooperate na walang kaukulang permiso.
Pitumpu’t limang dayuhan na pinaniniwalaang walang kaukulang permiso ang naaresto sa pagsalakay sa nasabing POGO operation sa Adriatico Street, Manila.
Ang mga suspek ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nitong October 29, 2024, ng Regional Trial Court.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya ang gusali ay inuukupahan ng mga foreign nationals na nagtatrabaho ng walang permiso.
Nasamsam ang mga mobile phones, desktop computers, laptops, SIM cards, Digital Video Recorder (DVR), at face attendance machine.
Ang mga dayuhan na may iba’t ibang bansa ay nasa ilalim ng kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) para sa kani-kanilang pagkakakilanlan.
Tiniyak ni NCRPO Regional Director, Police Major General Sidney S. Hernia na patuloy ang pagmamanman ng mga awtoridad sa illegal activities.