Vehicle Ang pahayag ng PNP kaugnay sa isang marked patrol vehicle na nag viral sa Ermita, Manila.

Police car na tumirik iniimbestigahan

Jon-jon Reyes Feb 19, 2026
329 Views

INIIMBESTIGAHAN ng Ermita Police Station ang ugat ng pagtambay sa kalye ng police patrol vehicle na nakatalaga sa J. Bocobo Police Community Precinct-MPD Ermita Police Station 5.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Alfonso Saligumba, hepe ng Ermita Police Station 5, nagkaroon ng aberya ang marked vehicle kaya hindi umabante sa Taft Avenue sa Ermita Manila.

Pinatingin sa mekaniko para ipaayos ang sasakyan.

Inatasan ng Ermita Police Station (PS-5) ang mga pulis na nasa marked vehicle na magpaliwanag upang matukoy ang buong pangyayari sa paligid ng usapin.

Ang mga tauhan na sangkot ay nasuri na at pansamantalang tinanggal sa kanilang mga puwesto habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Hindi pinahihintulutan ng Philippine National Police (PNP) ang anumang paglabag sa mga batas, patakaran, o itinatag na mga pamamaraan sa pagpapatakbo.