Calendar
Political rally walang mabuting dulot sa bansa—solons
NANAWAGAN ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na tigilan na ang mga political rally na katulad ng inilungsad para suportahan si Pastor Apollo Quiboloy dahil wala naman itong mabuting dulot sa bansa.
Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng prayer rally ang mga suporter ni Quiboloy sa Liwasang Bonifacio sa Maynila subalit naging isa itong anti-PBBM rally.
Dumalo sa naturang pagtitipon sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, anak nitong si Vice President at Education Sec. Sara Duterte, ilang senador at mga personalidad na kontra sa gobyerno.
Ayon kay Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez ang ginawang rally ay hindi isang prayer rally dahil sa halip na dasal ay iba ang ipinarating nito.
“Ako ang posisyon ko, I don’t think nakakatulong po ito sa takbo ng ating bansa. Ang nais po natin ipakita stability within the country and having noise such as this is not helpful, especially that we’re on track towards recovery from a pandemic,” ani Suarez sa regular na punong balitaan sa Kamara de Representantes.
“Sana hindi na madagdagan ito dahil nakikita naman natin na wala naman talagang magandang naidudulot so far,” dagdag pa ni Suarez.
“Let’s just focus on supporting the administration’s objectives and continuing our legislative work so that we can continue to support unity within the country and number two of course, iyong Bagong Pilipinas na ipinaglalaban ng ating mahal na Pangulo,” wika pa niya.
Sinabi naman ni Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jefferson Khonghun na ang isinagawang pro-Quiboloy rally ay walang ambag sa bansa.
“Well, ngayon lang kami nakakita ng prayer rally na puro mura ang naririnig. Nagpapasalamat din naman ako dahil kahit anong naririnig natin dun eh hindi naman pinapatulan ng ating administrasyon,” sabi ni Khonghun.
“Wala naman talagang maitutulong sa bansa at saka hindi naman talaga prayer rally ang tawag dun eh dahil talagang walang ginawa kundi puro poot at masakit na salita ‘yung binibitawan dun sa pagtitipon na ‘yun,” dagdag niya.
Ipina-alala naman ni Malasakit@Bayanihan Partylist Rep. Anthony Rolando Golez Jr. ang kahalagahan na tumalima sa mga batas at regulasyon ang mga pampublikong pagtitipon.
“If they violate a law then they can face justice on that,” babala ni Golez.
Ganito rin ang posisyon ni 1-RIDER Party-List Rep. Rodge Gutierrez.
“Speaking of this particular rally, the political speeches that it has ultimately boiled down to would be understandable, but I have to express my deep disappointment in certain statements, certain controversial statements because we should never allow political dissent to boil down to espousing violence,” Gutierrez said.
Partikular na tinukoy ni Gutierrez ang pahayag ng isa sa mga nagtalumpati sa rally na si dating Biliran Rep. Glenn Chong, na nagbanta na sasampalin si First Lady Liza Araneta-Marcos.