Suspek1

P’que nakorner rape suspek sa Cavite

Edd Reyes Sep 20, 2024
5 Views

HIMAS-rehas ang 26-anyos na obrero nang arestuhin ng mga Parañaque police noong Biyernes dahil sa kasong panggagahasa sa Dasmariñas, Cavite.

Nagulat pa si alyas Junbert nang buksan ang pintuan ng bahay niya sa Brgy. Sampaloc, Sitio Malinta, Dasmariñas, Cavite dakong alas-4:50 ng umaga dahil tumambad sa kanya ang mga pulis na titiklo sa kanya.

Bitbit ang warrant of arrest laban sa kanya na inilabas ni Paranaque City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Marie Grace Javier-Ibay ng Branch 194, sumama ang suspek at hindi nanlaban.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, sinabi ng mga pulis na noon pang unang araw ng paglabas na arrest warrant nila tinugis ang akusado subalit nawala na itong parang bula sa kanilang lugar at hindi na rin umuuwi sa tinutuluyang bahay.

Nakakulong na ngayon sa custodial facility ng Parañaque police ang akusado.