Bitrics

Prayoridad na tulay ni Luistro binuksan na sa publiko

17 Views

SAN Pascual, Batangas — Makikita ang isang napakagandang tulay ng Resplandor-Malaking Pook na binuksan na sa publiko.

Base sa deskripsyon ng Department of Public Works and Highway (DPWH) IV-A, ito ay may haba na 30 meter na magbibigay access sa dalawang komunidad para sa mabilisang transportasyon na mas lalong magdadala ng pag-unlad sa nasabing mga lugar.

Bahagi ito ng mga prayoridad na proyekto ni Batangas 2nd district Rep Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro para sa mga mamamayan ng nabanggit na bayan.