Sara Duterte

Pre-shaded ballot sa Singapore, Dubai ikinabahala ni Mayor Inday

270 Views

IKINABAHALA ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Sara Duterte ang ulat na mayroong mga balota para sa absentee voting sa Singapore at Dubai ang pre-shaded na.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na opisyal na hihilingin ng legal team ng Lakas-CMD sa Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng isang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Ayon sa ulat, naka-shade na ang pangalan ni Duterte at ng ilang kandidato sa pagkasenador sa mga kinukuwestyong balota.

“As a politician, my experience has taught me that Filipinos do not respect those who cheat and engage in election fraud,” sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na hindi nito kukunsintihin ang pandaraya at ang mga panalo umano nito sa mga nagdaang eleksyon ay dahil ibinoto siya ng tao.

“And I take with great pride in the fact that my history in politics has never been tainted by cheating, fraud, and other election irregularities that could question my integrity and leadership,” dagdag pa ng Davao City Mayor.

Nanawagan si Duterte sa lahat ng Pilipino, nasa bansa man o abroad na labanan ang pandaraya at proteksyunan ang boto.

“It is our collective responsibility to make sure that the 2022 elections is safe, free, fair, and credible,” dagdag pa ni Duterte.

Bago tumakbong bise presidente, si Duterte ay naging alkalde at bise alkalde ng lungsod ng Davao.