BBM5 President Marcos. Photo courtesy of PCO

President Marcos: Hidilyn, iba pang top athletes dapat tularan

Robert Andaya May 26, 2025
37 Views
BBM6
Palarong Pambansa opening. PSC photo
BBM7
Palarong Pambansa opening. PSC photo

LAOAG CITY — Maging tulad ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz at iba pang sikat na atleta.

Ito ang pakiusap — at hamon — ni President Ferdinand R. Marcos sa mga student-athletes sa pagbubukas ng 65th Palarong Pambansa sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium kamakailan.

“Ngayong araw, dito sa Palarong Pambansa kayo ang kasali. Sa susunod, kayo na ang kinatawan ng Pilipinas sa Asian Games, sa Olympics. Kaya paghusayan ninyo,” pahayag.ni President Marcos sa mahigit na 15,000 student-athletes at officials sa.kanyang mensahe sa week-long competition na itinataguyod ng Department of Education sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Local Government of Laoag.

Tinukoy ni President Marcos ang mga world-class Filipino athletes, na tulad nina Diaz, Olympic gold medalist sa weightlifting (Tokyo 2020); Manny Pacquiao, eight-division world boxing champion; Carlos Yulo, two-time Olympic gymnastics champion (Paris 2024); Nesthy Petecio, Olympic boxing silver medalist (Tokyo 2020); EJ Obiena, Asian pole vault record-holder at world medalist; at Alex Eala, junior grand slam champion at professional tennis player.

“Malay natin dito sa mga kasama natin na ito, mayroon diyang lilitaw na Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, Carlos Yulo, Aira Villegas, Nesthy Petecio, EJ Obiena o Alex Eala. Tulad nila, ipagpatuloy niyo ang inyong mga pangarap — mag-training araw-araw, mag-aral nang mabuti, sumunod lagi sa mga magulang at alagaan ang kalusugan,” dugtong pa ni President Marcos.

Napasalamat dinsi President Marcos kay Diaz, ang unang Olympic gold medalist na naging psnauhing pang-dslangal din.

“Idol Hidilyn, mabuhay ka, Malaki ang dangal na dinala mo sa ating minamahal na bansa.”

Tiniyak din ni President Marcos ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga student-athletes patungkol sa mga “better training facilities, scholarships, health programs, at sports science support.”

“Hangga’t sa abot ng aming makakaya, ginagawa po namin ang lahat para matulungan kayong maging mahusay na manlalaro,” pagdidiin pa ni President Marcos, na ang “Bagong Pilipinas” vision ay kinabibilangan din ng youth empowerment through sports.

Inihayag din niya ang kahalagahan ng sports.

“Higit sa pagkapanalo, mas mahalagang matutunan ninyo ang disiplina, ang halaga ng pakikipagkaibigan, at ang mag-enjoy naman sa inyong favorite sport– manalo man o matalo,”

“Tandaan ninyo. Ang taong lumalaban, hindi natatalo. Losers are those who fail to try. Winners are those who try, and maybe they fail, but then, they try again and do not stop trying until they win and succeed.”