Sebastian

Presyo ng bigas inaasahang huhupa sa pagsisimula ng anihan

138 Views

INAASAHAN ang paghupa ng presyo ng bigas at palay kapag nagsimula na ang anihan ngayong buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa pagtataya ng Philippine Rice Information System (PRiSM) aabot sa 5 milyong metriko tonelada ng bigas ang maaani ngayong Setyembre hanggang Oktobre.

Ayon kay DA Undersecretary for Rice Industry Development Leo Sebastian mula Hulyo hanggang Disyembre ay inaasahan na aabot sa 11 milyong metriko tonelada ang produksyon ng bigas sa bansa.

Sa kabuuan ang 2023 ay inaasahan umano na aabot ang lokal na produksyon ng 20 milyong metriko tonelada.

Para sa susunod na pagtatanim, mamimigay umano ang DA ng high-yielding seeds, fertilizer, biofertilizer at iba pang farm input upang matulungan ang mga magsasaka.