Fuel File photo ni JONJON C. REYES

Presyo ng gas bababa ng 10 cents/liter; kerosene 50 cents/liter

Edd Reyes Apr 7, 2025
15 Views

MAGBABAWAS pero hindi halos mararamdaman ang presyo ng petrolyo simula Martes ng umaga.

Sa anunsiyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Corporation, Seaoil Philippines at Flying V., 10 sentimos kada litro ang ibabawas nila sa gasolina, 50 sentimos kada litro sa kerosina pero walang paggalaw sa presyo ng diesel epektibo alas-6:01 sa Martes, Abril 8.

Ganito rin ang ibababa ng produktong gasolina at diesel ng PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Unioil Philippines, at Petro Gazz.

Alas-8:01 naman ang simula ng price adjustment ng Clean Fuel.

Nauna ng inihayag ng Department of Energy (DOE) na humina ang pangangailangan ng langis sa maraming bansa dulot ng pagpapataw ng panibagong taripa ng Estados Unidos sa mga ipinadadalang produkto sa kanilang bansa.