Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Fuel

Presyo ng gas, diesel, kerosene bababa

Edd Reyes May 12, 2025
15 Views

AABOT sa 90 sentimos kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel, 30 sentimos per litro sa gasolina at P1.25 kada litro sa kerosina simula alas-6:01 ng umaga sa Mayo 13.

Sa abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Seaoil Philippines at Flying V, ganito ang price adjustment.

Nag-anunsyo na rin ng similar price adjustment ang PTT Philippines at Total Philippines, na parehong hindi nagbebenta ng kerosene.

Magsisimulang magtapyas ng kahalintulad na halaga sa kanilang gasolina at diesel ang Petro Gazz, Jetti Oil, Unioil, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum ng alas-6:00 ng umaga habang alas-8:00 naman ang Clean Fuel.

Ayon kay PTT Media Relation Officer Jay Julian, sumusunod sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado ang mga lokal na kompanya ng petrolyo.