Calendar
Presyo ng gas, diesel pwedeng magbago
POSIBLENG ibaba o itaas ng mga kompanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).
Sinabi ng ahensya na namumurong tumaas ng mula P0.40 sentimos hanggang P0.70 sentimos kada litro ang presyo ng diesel habang P0.15 sentimos hanggang P0.35 sentimos kada litro naman ang gaas o kerosina.
Pwede namang bumaba ang presyo ng gasolina ng mula P0.50 sentimos hanggang P0.70 sentimos kada litro.
Ayon kay OIMB Assistant Director Rodela Romero, dahilan ng posibleng pagbaba ng presyo ng ilang petroleum products ang patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan partikular sa Israel, Lebanon at Iran, ang pagsipa muli pataas ng presyo ng diesel at kerosene habang bumagsak naman ang demand ng malalaking bansa sa gasolina.
Karaniwang ina-adjust ang oil prices tuwing Martes.