Dapat ang bf may stable income
May 5, 2025
Skype shuts down after 2 decades
May 5, 2025
BI iniligtas 3 biktima ng human trafficking
May 5, 2025
Calendar

Nation
Presyo ng gas, krudo magmumura sa Mayo 6
Edd Reyes
May 5, 2025
15
Views
MAGMUMURA ng 65 sentimos per litro ang presyo ng diesel habang 55 sentimos kada litro ng gasolina simula alas-6:01 ng umaga ng Mayo 6, ayon sa mga kompanya ng petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso ng PTT Philippines, Chevron Philippines, Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at Flying, ganito ang price adjustment ng kanilang mga produktong petrolyo.
Aabot naman sa 90 sentimos kada litro sa kerosene ang ipatutupad din ng Petron, Chevron at Shell ng alas-6:01 ng umaga.
Pareho din ang price adjustment sa gas at diesel ng Unioil Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Jetti Oil at Eastern Petroleum habang alas-8:01 naman ang simula ng pagbaba ng presyo sa mga petroleum products ng Clean Fuel.
BI iniligtas 3 biktima ng human trafficking
May 5, 2025
Lisensya ng 98 drivers binawi ng LTO
May 5, 2025
Fake news lalaban ng DICT, Google
May 5, 2025