Gas

Presyo ng gasolina, diesel, kerosene bababa Martes

Edd Reyes Sep 16, 2024
69 Views

BABABA ng P1 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.30 kada litro sa diesel at P1.65 kada litro sa kerosene simula Martes ng alas-6:01 ng umaga, ayon sa mga dambuhala at small oil players.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Petron, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Flying V at Seaoil Philippines, tiyak ang mga nabanggit na price decrease ng mga produktong petrolyo.

Ganito rin ang adjustment sa presyo ng produkto ng PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum at Jetti Petroleum.

Gaya ng napag-usapan mas maaga ang start ng price adjustment ng Clean Fuel sa ganap na alas-12:01 ng madaling araw.

Sa panayam kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ang tatlong magkasunod na linggo ng pagbabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng paghina ng demand nito sa pandaigdigang pamilihan.