Calendar
Presyo ng kuryente sa bansa dapat ibaba— House leaders, Young Guns
PANAHON na para maibaba ang presyo ng kuryente para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
Ito ang iginiit ng liderato ng Kamara de Representantes at mga miyembro ng Young Guns kasabay ng kanilang papuri sa pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na isailalim sa komprehensibong pagrepaso ang Electric Power Industry Regulation Act (EPIRA) upang mapababa ang presyo ng kuryente at magkaroon ng seguridad sa enerhiya ang bansa.
“We fully support this move by our leader in the House. If we can finally reduce the cost of electricity, this would be one of the legacies of our Speaker and the chamber he heads,” saad ng mga mambabatas.
Ang sama-samang pahayag ay ginawa nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga, Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon, at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, kasama ang Young Guns sa pangunguna ni Reps. Inno Dy V ng Isabela, Rodge Gutierrez ng 1-Rider Party-list, Jil Bongalon ng Ako Bicol Partylist, Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, Paolo Ortega ng La Union, Jay Khonghun ng Zambales, Mika Suansing ng Nueva Ecija, Joel Chua ng Manila, Migs Nograles ng PBA Partylist, at Cheeno Miguel Almario ng Davao Oriental.
Sinang-ayunan ng mga mambabatas ang pahayag ni Speaker Romualdez na magsagawa ang Kamara ng komprehensibong pag-aaral sa EPIRA upang tuluyang mapababa ang presyo ng kuryente.
Bagamat mayroom umanong mga inihayag na plano noong nakaraan, wala pa anilang nagsagawa ng pag-repaso sa naturang batas.
“In the meantime, power rates in the country continually went up to the extent that they are now among the highest in the ASEAN region,” sabi nila.
Kasama ang pag-amyenda sa EPIRA sa 28 panukala tinukoy sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na bibigyang prayoridad ang pagpasa bago matapos ang 19th Congress sa Hunyo 2025.
Kasabay ng pagtalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pag-renew sa prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco), iginiit ng mga mambabatas na panahon na ring isabay ang diskusyon sa pagpapababa ng singil sa kuryente.
“Let’s examine how Meralco can support the Marcos administration in reducing its power distribution rates,” paglalahad nila. “It’s time we alleviate or at least lessen the suffering of our people. Congress should address the issues created by the EPIRA law.”
Kung mapapababa umano ng kasalukuyang Kongreso ang presyo ng kuryente ay mangangahulugan na nagawa nito ang nabigong gawin ng mga nagdaang Kongreso.
“That achievement then would be one of the legacies of our Speaker and his present colleagues in the House,” giit nila.
Kapwa ipinunto ng mga lider ng Kamara at Young Guns na kung maibababa ang presyo ng kuryente ay magreresulta ito sa pag-unlad ng ekonomiya.
“The expansion of our economy has long been hobbled by high electricity rates. This problem has consistently been one of the top concerns of the business community since the enactment of EPIRA,” sabi ng mga mambabatas.
Nauna rito ay sinabi ni Speaker Romualdez na, “We will work to further reduce electricity rates and rice prices. Accomplishing that will surely lead to a further moderation of inflation.”
“Titingnan natin ang posibleng amendments sa EPIRA para maibaba natin ‘yung presyo ng kuryente, para abot kaya ng lahat ‘yung sa tamang presyo,” wika ng lider ng Kamara.
Target aniya ng Kamara na matapos ang mga pagbabago sa EPIRA bago ang Christmas break ng Kongreso.
“So medyo kumplikado ‘yan kasi malaki itong batas at we will handle it by sections pero kayang kaya natin tapusin ‘yan before siguro the Christmas break,” dagdag niya
Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong ASEAN region.