Priscilla nadukutan ng cp habang nagba-vlog sa BGC

Vinia Vivar Aug 18, 2024
36 Views

Natangayan ng cellphone si Priscilla Meirelles habang nagsa-shopping sa isang mall sa BGC.

Ikinuwento ng dating beauty queen sa kanyang Facebook Live ang pangyayari.

Aniya, habang nagba-vlog siya sa mall ay nabuksan ng mga mandurukot ang kanyang bag at nakuha ang kanyang cellphone.

Aniya, nang bumalik siya sa Pilipinas ay winarningan na siya ng friends niya na maraming scammers sa BGC.

Pero dahil nasa loob naman siya ng supermarket ay naging kampante siya dahil akala niya ay mga disenteng shopper lamang ang naroroon.

Magaling na grupo raw ng pickpocketeers ang bumiktima sa kanya dahil naka-lock na ang bag niya ay nagawa pang buksan at ang bilis kumilos dahil nawala agad ang mga ito.

Kaagad na pumunta sa pulisya ang estranged wife ni John Estrada para magreklamo.

Post niya, “Would like to give a huge shout out sa BGC PNP team and Sr. PMAJ Judge Rowe Donato for all the help and assistance they gave me last night regarding the pickpocket incident inside

MarketPlace Grocery Uptown mall in BGC.

“I’m impressed with their readiness and professionalism. Also want to shout out to the Security Team ng Megaworld/Uptownmall BGC Operation Center JSL for going above and beyond trying to help even though the incident happened inside the premises of their tenant/ a third-party and they have no access to the third-party CCTV footage.

“Will wait for further advice and updates from BGC police department and uptown mall security regarding the identification of pickpockets. The goal is to catch them.”

Bumalik ng bansa si Priscilla last Aug. 8 mula sa pagbabakasyon sa kanyang hometown sa Brazil. Habang wala siya ay pumutok ang balitang hiwalay na sila ng mister na si John at kinumpirma naman ito ng aktor sa pamamagitan ng isang statement sa IG.

Ayon kay John, napag-usapan nila ni Priscilla na maghiwalay muna pero sinagot ito ng former beauty queen at sinabing hindi totoong mutual decision ang separation.